Lola pisak sa bagsak ng puno

MANILA, Philippines - Pisak ang 63-anyos na lola habang apat naman ang nasugatan makaraang mabagsakan ng punungkahoy ang multicab sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ofelia Acosta na napuruhan ng bumagsak na puno na nabigong maisalba. Ginagamot naman sa Western Visayas Regional Hospital ang mga nasugatang sina Ruby Ann Acosta, Lea Acosta, isang menor-de-edad na kinilala sa palayaw na Rose. Sa ulat ng Negros Occidental PNP, naganap ang insidente sa Barangay Alegria kung saan dumaraan ang multicab ng mga biktima. Eksakto namang tumama sa multicab ang nabuwal na matandang puno kung saan napuruhan ang matanda. Nabatid pa na ang sakuna ay naganap sa gitna na rin ng malakas na pagbuhos ng ulan sa nasabing lugar.

 

Show comments