2 katiwala itinumba

NORTH COTABATO, Philippines - – Pinaniniwalaang matinding galit ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang katiwala sa oil palm plantation habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Malinan sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­patay na katiwala na sina Froilan Arano at Zaldy Barcano habang kritikal naman sina Ralph Librero at Andres Pedregosa, kapwa trabahador sa nasabing plan­tasyon na sinasabing pag-aari ni Andres Pedregosa.

Sa police report, lumilitaw na nasa bahay pahingahan ang mga biktima sa Purok Mangga sa nasabing ba­rangay nang ratratin ng mga di-kilalang lalaki

Sa Salaysay naman ng mga residente, limang taon nang nakatira ang mga biktima sa nasabing lugar at wala silang nakitang naging kalaban o nakagalit ng mga ito.

Show comments