MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit 24-oras, naapula na rin kahapon ang sunog sa Mt. Banahaw na puminsala sa 50 hektaryang kagubatan habang patuloy pa ring pinaghahanap ang anim na namamanata na miyembro ng religious group, ayon sa opisyal kahapon.
Ayon kay Dr. Henry Buzar ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakatulong ng malaki sa pag-apula sa ang forest fire ang pagbuhos ng ulan noong Huwebes ng gabi.
Ang sunog sa Mt. Banahaw ay nag-umpisang sumiklab dakong alas-6 ng gabi noong Miyerkules sa bayan ng Sariaya na hinihinalang mula sa naiwang nakasinding kandila ng ilang mamamanata na illegal na umakyat sa bundok.
Pinaniniwalaan namang naghiwalay ng direksyon ang anim pang pinaghahanap na deboto upang makaiwas sa pananagutan sa mga awtoridad.
Sa pinakauling ulat, 11-namamanata ang inabutan ng sunog sa bundok kung saan lima ang isinailalim na sa kustodya ng pulisya.
Kabilang naman sa anim pang pinaghahanap na namamanata ay ang 72-anyos na lolo na illegal na pumanhik sa nasabing bundok.
Nabatid na ang Mt. BaÂnahaw ay dating piÂnagÂdarausan ng mga ritwal ng iba’t ibang sekta ng relihiyon hanggang sa isara ito sa publiko upang ipreserba ang likas na yaman ng kagubatan noong 2004.