Bangkang pinalubog ng barko naiahon na sa Cavite

MANILA, Philippines – Naiahon na kahapon ang bangkang pangisda na binangga ng hindi pa natutukoy na barko sa Cavite nitong nakaraang linggo.

Nasa pampang na ng Naic, Cavite ang F/B Dan Israel na binangga ng isang barko noong gabi ng Marso 12, 2014.

Sa pinakahuling tala ay anim na mangingisda ang nasawi sa insidente, habang apat pa ang nawawala.

Kaugnay na balita: 1 patay, 10 nawawala sa salpukang bangka at barko sa Cavite

Tinutukoy pa rin ng mga awtoridad ang barkong bumangga sa mga mangingisda na galing Navotas.

Show comments