^

Probinsiya

13-anyos todas sa kidlat

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Kamatayan ang nabingwit ng 13-anyos na totoy habang apat nitong kasama ang malubhang nasugatan makaraang tamaan ng kidlat habang nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Cabotoran sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Christian Erez habang naisugod naman sa Partido District Hospital ang mga sugatang sina Jeantly Buhayo, 32; Ronaldo Barcites, 41; John Paul Nabus, at si Jimboy Buhayo, 29, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Batay sa police report, magkakasamang nangingisda ang mga biktimang lulan ng bangka nang biglang kumulog at gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa biktima.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY CABOTORAN

BATAY

CAMARINES SUR

CHRISTIAN EREZ

JEANTLY BUHAYO

JIMBOY BUHAYO

JOHN PAUL NABUS

PARTIDO DISTRICT HOSPITAL

RONALDO BARCITES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with