Tanod todas sa chairman

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Bulagta ang 33-anyos na barangay tanod matapos itong barilin ng kanilang barangay chairman na umaawat sa pagwawala ng una sa liblib na bahagi ng Barangay Cunig, bayan ng Gattaran, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ni PO3 Elmar Ventura ang biktima na si Judi Peralta na sinasabing nagwawala sa kalsada sa hindi nabatid na dahilan nang dumating si Chairman  Reynaldo Escobar, 57.
 Nabatid na pinapaya ng suspek at sa halip na huminahon ang biktima ay nauwi sa mainitang komprontasyon hanggang sa maganap ang pamamaril. Namatay ang biktima sanhi ng tama ng bala sa kanyang tiyan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Show comments