Negosyante bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang 51-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Parang, bayan ng Cantilan, Surigao del Sur kamakalawa. Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang biktima na si Pedro Pradel ng Sitio Toblehon sa nasabing barangay kung saan idineklara itong patay sa Madrid District Hospital  dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg, isa rito ay naglagos sa kaniyang kanang pisngi at isa sa siko. Bandang alas-10:25 ng umaga, ayon sa opisyal  habang ang biktima ay naghihintay sa waiting shed nang biglang lapitan at ratratin ng tandem.

 

Show comments