MANILA, Philippines – Dalawang kubrador ng ilegal na jueteng ang nadakip sa Baguio City, habang kinumpiska naman ang slot machines sa Mountain Province, ayon sa mga pulis.
Kinilala ni Police Regional Office regional director Chief Superintendent Isagani R. Nerez ang mga suspek na sina Mark Manda Reyes, 23, ng Purok 3, West Quirino Hill at Jayson Enriques de Castro, 24, ng Slaughter Compound, Sto. Nino, Magsaysay Avenue.
Nadakip ang dalawa habang nagpapatrolya ang mga pulis kung saan nakumpiskahan sila ng P1,105, dalawang ball pens at Meridien Gaming Corp. papepilitos.
Samantala, anim na slot machines ang binawi ng mga awtoridad sa barangay Supang, Sabangan, Mt. Province kahapon.
Ang pagkasakote sa dalawang suspek at pagkumpiska ng mga slot machines ay bahagi ng kampanya ng lalawigang pamahalaan kontra illegal gambling.