Bangka lumubog; 2 dedo, 4 nasagip

CAMARINES NOR­TE, Philippines - - Isang mag-ina ang iniulat na nasawi habang apat pa ang nailigtas makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan ng mga itong bangka sa karagatan ng Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Daet, dalawa sa anim na pasahero na pawang lulan ng pamil­yang Lazado ang namatay na nakilalang sina Rizza Lasado, 7 anyos at ang inang si Naida Lazado, 50 anyos.  Kasalukuyan namang nasa ospital ang apat na nakaligtas sa pamilya Lazado na sina Reynoso, 40 anyos; Emily, 15, Vanessa, 10 at Marissa; 3 buwang sanggol.

Bandang alas-8 ng gabi nang lumubog ang bangkang sinasakyan ng pamilya matapos itong hampasin ng malala­king alon.

Habang kumakaway ang pamilya sa paghingi ng saklolo ay nakita ito ni Krystal Gayle Ella Ula sa tabing aplaya ng Bagasbas Beach Resort na agad nitong ipinabatid sa mga awtoridad.

Mabilis namang nag­responde ang mga life guard at ang rescue team ng MDRRMO at nailigtas ang apat na miyembro ng pamilya pero minalas na masawi ang dalawa sa mga ito.

Show comments