Kawani ng pawnshop, kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group ang 20-anyos na kawani ng pawnshop sa Jolo, Sulu kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Jerlyn Abubakar, may asawa at kawani ng Padjak Katanaman 2 Pawnshop sa Serantes Street, Chinese Pier at residente ng Kakuyagan Village, Phase 3, Latih, bayan ng Patikul. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame , naganap ang insidente sa kahabaan dakong alas-12:30 ng tanghali kung saan bumibili ang biktima ng pagkain para sa dalawa nitong anak nang bigla na lamang sunggaban ng mga armadong kalalakihan. Sa pahayag ng security guard, dakong alas-3:30 ng hapon nang tumawag sa kaniya ang mga suspek na humihingi ng P.1 milyon ransom kapalit ng pagpapalaya sa bihag.

 

Show comments