Aurora niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Magkasunod na pagyanig ang tumama sa lalawigan ng Aurora kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs). Naramdaman ang unang pagyanig bandang alas-3:33 ng madaling araw sa may 32 kilometrong layo sa timog-silangan sa bayan ng Dilasag kung saan sumunod na pagyanig bandang alas-4:10 ng madaling araw. Wala namang naitalang nawasak na ari-arian o kaya nasaktan sa dalawang pagyanig.

 

Show comments