TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nahukay na ng tropa ng militar ang gutay na bangkay ng tatlong mag-aama na biktima ng summary exeÂcution ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na matagpuan ang isang ‘mass grave’ sa buluÂbunduking bahagi ng Brgy. Dominglay, Baay-Liccuan, Abra kamakalawa.
Ayon kay Lt. Rowena Abayon, Spokesperson ng Army’s 5th Infantry Division, kinilala ang halos buto ng mga bangkay na sina Freddie Giliw, isang dating NPA, 30; amang si Rogelio, 68; at utol na si Eduardo.
Una nang napaulat na dinukot ng mga armadong rebelde ang mag-aama noong Marso 1.
Nabatid na si Freddie ay sumuko sa militar noong 2001 na pinaghinalaan ng kaniyang mga kasamahan na nagtratraydor sa kilusan habang ang ama at kapatid nito ay umano’y mga espiya na siyang motibo ng brutal na pamamaslang sa mag-aama.