Inhinyero niratrat

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang isang inhinyero matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem na mga armadong salarin sa Brgy. Atulayan Sur sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Tuguegarao City Police Chief P/Supt. Jay Cumigad ang nasawing biktima na si Engineer Agerico Liban, isang kontratista.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang Toyota Fortuner SUV nang sabayan ito ng riding in tandem saka pagbabarilin gamit ang cal. 45 pistol.

Nagawa pang maisugod sa St. Paul Hospital ang biktima pero binawian na rin ito ng buhay.

Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad sa kasong ito, una ay negosyo at ikalawa ay ma­tagal ng alitan.

Show comments