Project manager itinumba

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 43-anyos na project manager ng Rural Water Works matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Batangas City, Batangas kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Manny Geron ng Sitio Pulo, Barangay San Pedro sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-10:13 ng umaga sa bahay ni Gregoria Untalan sa nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nakaupo sa beranda ng bahay ni Untalan nang biglang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments