^

Probinsiya

2 pastor sugatan sa holdaper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pastor ang nasugatan matapos na barilin ng lalaking notoryus na kawatan  na nanloob sa simbahan sa bayan ng Patnanungan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang dalawa na sina Pastor Ador Tejada, nagtamo ng tama ng bala sa kanang paa; at Pastor Daniel Jaquit, tinamaan naman sa kaliwang braso.

Samantala sa follow-up operations ng pulisya, arestado naman ang magsasakang suspek na si Jeremias Abrazaldo Romano Jr., 31, kung saan nasamsaman ng cal. 38 revolver.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa Ministry of Bridge to the Island and Mission Ministry  sa Barangay Norte.

Kasalukuyang natutulog ang dalawang pastor nang bigla na lamang pasukin ng suspek ang nasabing simbahan.

Naalimpungatan naman ang mga biktima sa nilikhang kaluskos ng suspek subalit agad silang tinutukan ng baril sabay deklara ng holdap at pinutukan ang dalawa.

Kahit sugatan ay nakipagpambuno si Tejada sa suspek at nagawang maagaw ang baril bago ito nakatakas.

BARANGAY NORTE

CAMP CRAME

DALAWANG

ISLAND AND MISSION MINISTRY

JEREMIAS ABRAZALDO ROMANO JR.

KAHIT

KASALUKUYANG

MINISTRY OF BRIDGE

PASTOR ADOR TEJADA

PASTOR DANIEL JAQUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with