Driver dinedo dahil sa pasahe

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa simpleng pagtatalo sa pasahe, binaril at napatay ang driver ng jeepney ng kanyang pasahero sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Ryan Manongdo, spokesperson ng Pangasinan PNP, ang biktima na si Alfredo Maramba na naisugod pa sa  Pangasinan Provincial Hospital subalit idineklarang patay.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway sa Barangay Lumbang bandang alas-9 ng gabi. Ang nasabing jeepney ay may rutang Dagupan City-San Carlos City nang magtalo sa pasahe ang driver at ang suspek na isa sa mga pasahero nito.

Gayon pa man, bumaba ang suspek saka tumakbo sa unahan kung saan niratrat ang biktima.

Show comments