Totoy nasagip, 3 kidnaper tiklo

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlo-katao habang nasagip naman ang kanilang kinidnap na 7-anyos na totoy sa isinagawang operasyon sa  bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., kinilala ang mga suspek na sina Julius Abagon, 33; Salvacion Abagon, 42; at si Jason Angeles, 39, pawang nakatira sa Barangay Ibayo Estacion sa nasabing bayan. Nabatid na ni-raid ng tropa ni P/Supt. Hermogenes Cabe ang pinagkukutaan ng mga suspek matapos makatanggap ng ulat na ginagawang drug den ang nasabing lugar. Subalit sa pakikipag-ugnayan ng Gen. Trias PNP ay nabatid na ang mga suspek ay responsable rin sa pangingidnap sa batang biktima na dinukot noong Pebrero 10.

Show comments