Sekyu inutas ng kabaro

CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ang isang security guard ng kanyang kabaro matapos magtalo sa oras ng trabaho sa binabantayang subdivision sa Barangay Niog 2, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Arnel Rollo ng Tramo 2, San Roque, Parañaque City habang arestado naman ang suspek na si Reynaldo Catarining, 29, ng Barangay Tanyag, Taguig City. Ayon kay SPO1 Ronaldo Orozco, ang dalawa ay sekyu sa Rosewood Village kung saan nagkapikunan dahil sa pagtatalo sa oras ng kani-kanilang duty. Narekober sa crime scene ang isang cal. 9mm pistol, apat na bala habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments