32 baboy hinaydyak ng 3 ‘pulis’

BULACAN , Philippines   - Muli na namang sumalakay ang tatlong kalalakihan na nagpakilalang pulis matapos na haydyakin ang trak na may lulan 32 baboy sa bahagi ng Barangay Patubig, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni PO2 Sermie Badiango, tinatahak ng ng delivery truck (NOC-205) na minamaneho ni Porfirio Bacatan ang kahabaan ng nasabing lugar nang harangin ng puting kotse. Kaagad na bumaba ang tatlong armadong lalaki na nakasout ng PNP athletic uniform  kung saan tinutukan ang driver at isinakay sa kotse habang ang isa naman ay nagmaneho ng trak. Gayon pa man, inabandona si Bacatan sa madilim na bahagi ng Barangay Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City habang narekober naman ang hinaydyak na sasakyan sa bakanteng lote ng Devine Mercy Church sa Brgy. Sta. Rosa II, Marilao.

 

Show comments