Shootout: Tulak dedo, 3 arestado

MANILA, Philippines - Napatay ang sinasabing notoryus na drug pusher habang tatlo naman ang nasakote matapos maki­pagputukan sa tropa ng 1st Infantry Division at lokal na pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay La Piedad, Isabela City, Basilan kamakalawa.

Sa ulat ni Capt. Jefferson Mamauag, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, nakilala ang napatay na si Abi Eisma Jaji, habang arestado naman sina Rasid Robinson Saly, Jose Ramon Dayrit at si Diane Martin. 

Samantala, sugatan naman ang dalawa sa panig ng pamahalaan na sina PO2 Esra Senicula Mariano at PO2 Jesseben Ferrer Santua.

Ang 45-minutong putukan ay naganap matapos isagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Valderosa Street, Purok 2 sa nasabing barangay bandang alas-6:30 ng umaga.

Narekober sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol, homemade sub-machine gun KG-9 Ingram, ilang sachets ng shabu at drug paraphernalias.

Show comments