Mangingisda utas sa dynamite fishing

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng ka­ma­tayan ng isang mangi­ngisda ang paggamit ng mga dinamita matapos aksidenteng masabugan ng inihagis na eksplosibo sa dagat habang isa pa ang nasa grabeng kalagayan sa karagatan ng Cavite, nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni Sr. Supt. Esqui­lito Esquivel, Provincial Director ng Cavite Police, sinabi nito na dead-on-arrival sa Contreras Hospital si Jonnel Antiquerra matapos mapuruhan ng sumambulat na dinamita.

Inilipat naman sa Philippine General Hospital sanhi ng grabeng kondisyon ang isa pang mangingisda na si Elmer Grate.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Esquivel na naganap ang insidente sa hangganan ng karagatan sa bayan ng Rosario at Tanza, Cavite dakong alas-8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng pangingisda at pagsisid sa dagat ang grupo ng dalawang biktima.

Isa sa kasamahan ng mga ito ang bigla na lamang nag­hagis ng dinamita sa dagat kung saan nagkataong sumisisid ang dalawang biktima na nagbunsod sa kanilang kapahamakan.

 

Show comments