Driver ng Florida nakalaya sa piyansa

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pansamantalang nakalaya  ang driver ng Florida bus na nahulog sa 120 metrong malalim na bangin noong Peb­rero 8 ng taong ito sa Bontoc, Mt. Province na ikinamatay ng 14 na pasahero nito matapos siyang pagtulungang piyansahan ng kanyang mga kamag-anak.

Sinabi ni Mountain Pro­vince Police Director P/Sr. Supt. Oliver Enmodias, umaabot sa P50,000 ang inilagak na piyansa kama­kalawa para makalaya  ang driver na si  Edgar Renon.

Nabatid pa na tinulungan ito ng mga abogado mula sa Public Attorneys Office upang mapababa ang rekomendasyon sa kanyang piyansa mula sa P80,000 na naibaba sa nasabing halaga.

Magugunita na si Renon ay idineretso sa Bontoc Provincial Jail noong nakaraang linggo matapos itong lumabas sa pagamutan bunga ng mga sugat at bugbog sa katawan.

 

Show comments