^

Probinsiya

'Morong 43' member suspek sa panununog ng 8 bus sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng “Morong 43” ang nasa likod ng panununog ng walong bus sa Batangas nitong Linggo.

Kinilala ni Batangas Police Chief Supt. Omega Jireh Fidel ang isa sa mga suspek na si Janice Javier na nadawit noong 2010 sa isyu ng mga umano’y health worker na nakikipag-sabwatan sa New People's Army (NPA).

"Kasama po siya sa Morong 43,” wika ni Fidel sa kanyang panayam sa DZMM. “Na-identify po siya sa mga record sa gallery po natin at saka based sa statement and description po ng ating mga witnesses.”

Kaugnay na balita: 8 bus sinunog ng NPA rebs

Walong bus ng Jam Liner ang sinunog ng mga miyembro ng NPA nitong Linggo ng madaling araw sa Barangay Palanas sa bayan ng Lemery matapos umanong hindi maibigay ang hinihinging pera.

Nitong Oktubre o Nobyembre ay nakatanggap ng extortion letter ang kompanya ng bus.

Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin ng mga awtoridad ang mga suspek, kabilang si Javier, na kaagad tumakas matapos ang panggugulo.

Nakasuhan na ang mga ito nitong kamakalawa ng arson at pagnanakaw.

Walang nasaktan sa insidente ngunit milyung-milyong halaga ng bus ang nasunog.

BARANGAY PALANAS

BATANGAS POLICE CHIEF SUPT

JAM LINER

JANICE JAVIER

LINGGO

NEW PEOPLE

NITONG OKTUBRE

OMEGA JIREH FIDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with