Inuman niratrat: 2 dedo, 4 grabe

BULACAN , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang napatay habang apat naman ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay na matanda na sinasabing nairita sa maingay na inuman kamakalawa gabi sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte City, Bulacan. Namatay habang ginagamot sa Sapang Palay District Hospital sina Federico Abarabar, 70; at Ariel Avila habang nasa kritikal na ka­lagayan sina Marvin Deogracias, Resty Caes,Virgilio Lasalla, at si Nilo Zapra, 63. Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Roberto Ocampo, 66, kapitbahay ng mga biktima  sa nasabing barangay. Sa ulat ni PO1 Mario Sangalang, magkasamang nag-iinuman ang mga biktima sa bisinidad ng Dama de Noche Street sa nasabing barangay nang dumating ang suspek kung saan nagsimulang mamaril gamit ang cal. 45 pistol.

 

Show comments