Tourism officer tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalaboso ang bagsak ng 33-anyos na local tourism officer makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pagdala ng bawal na droga sa Barangay Camaquin, bayan ang Vintar, Ilocos Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Jaime Quiocho, hepe ng Vintar PNP ang suspek na si Erwin Su­guitan. Ayon kay Quiocho, ang suspek na nagmomotorsiklo ay naaresto sa inilatag na checkpoint malapit sa Camaquin Integrated School kung saan nakumpiska ang  isang plastic sachet ng droga na nakasilid sa pagitan ng dala nitong folder.

 

Show comments