3 mag-uutol tiklo sa drug bust

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong mag-uutol na sinasabing nasa talaan ng mga drug personalities makaraang masakote ng mga awtoridad sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Ibingay, Masbate City, Masbate kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Anthony “Toni” Villanueva, 27; Tristan “Biboy” Villanueva, 30; at si Alex “Patoy” Villanueva, 22, pawang nakatira sa nasabing barangay. Ang mga suspek ay dinakma sa bisa ng search warrant na inisyu ni Maximino R. Ables ng Masbate City Regional Trial Court Branch 47. Nasamsam sa mga suspek ang 5-plastic sachet na shabu, P 5,240 cash, cellphone, cal. 22 revolver, mga bala at ilang drug paraphernalia.

 

Show comments