BULACAN , Philippines – Napatay ang 36-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Tumana, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon kay PO3 Daniel Ortega Jr. kinukumpuni ng biktimang si Ronald Quintana ang hydraulic hose ng kanyang 10-wheeler truck nang lapitan at ratratin habang ito ay nasa ilalim ng sasakyan. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong hidwaan sa negosyo ang isa sa motibo kaya pinatahimik ang biktima.