Kotse vs trak: Magsyota todas

CAVITE , Philippines   â€“ Inunahan ni kamatayan ang magsyotang magba-Valentine’s Day makaraang sumalpok ang kanilang kotse sa  gilid ng trak sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Biga 2, bayan ng Silang, Cavite noong Biyernes ng madaling araw.  Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Michael Joh Simuangco, 26, Nurse, ng Bonifacio Drive, San Luis Subd.,Tagaytay City at Marione Fides, 25, online teacher, ng Regency Subd. Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite. Arestado naman ang drayber ng trak na si Archie Nace, 36, ng Tagabac Buhanginan, San Jose, Antipolo City, Rizal. Ayon kay PO1 Carlito Jimeno, patungong Tagaytay City ang dalawa lulan ng Honda Civic (NXQ 468) nang mahagip nito ang trak (WDM 995) na kargado ng saku-sakong semento na patungo rin sa Tagaytay.

 

Show comments