4 rapist ng college stude, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Kalaboso ang bagsak ng apat na tinedyer na itinuturong humalay sa 18-anyos na college student matapos na masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Guinatan, Ilagan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek ngayon na sina James Ramiro, 20; Kevin Calumpit, 18; at ang dalawang binatilyong menor-de-edad na mga residente rin ng nasabing lungsod.

Sa tala ng pulisya, dinukot ng mga suspek ang biktima na nag-aabang ng sasakyang papauwi.

Isinakay ang biktima sa traysikel at dinala sa abandonadong lugar sa pampublikong sementeryo saka pinilahan ng mga suspek na sinasabing lango sa bawal na droga.

Sa follow-up operation ng pulisya sa pamumuno ni P/Supt. Vince Valdez ay naunang nasakote si Ramiro na positibong kinilala ng biktima na unang umabuso sa kanya.

 

Show comments