^

Probinsiya

8 bus sinunog ng NPA rebs

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Walong pampasaherong bus ang sinunog ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa loob ng terminal nito sa bayan ng Lemery, Batangas kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, pinasok ng mga armadong kalalakihan na naka-camouflage ang terminal ng Jam Liner Inc. sa Barangay Palanas bandang alas-12:55 ng umaga.

Dinisarmahan ang security guard na sina Welijado Ba­nastao, 32; at Marlon Pineda, 27, kapwa D-Black Pretorians Security Agency.

Gayon pa man, binuhusan ng gasolina ang mga bus matapos pababain ang mga natutulog na mga drayber at mga konduktor sa loob ng mga sasakyan.  

Sinabihan ng mga rebelde ang mga kawani na huwag makialam at ang pakay ay ang management, ayon kay PO2 Richard Caragay

Bago maganap ang panununog, nakatanggap ng extortion letter ang management ng bus noong Oktubre o Nobyembre kung saan nanghihingi ang mga rebelde ng hindi pa malamang halaga.

Matapos ang incidente, mabilis na tumakas ang mga armadong lalaki sakay ng dalawang van patungo sa bayan ng Calaca.

Wala namang sinaktan kung saan tinangay ang cal. 38 revolver at shotgun ng mga sekyu, handheld radio, power supply para sa desk computer at cellphone.

Kasalukuyang ikinasa ang dragnet operation ng mga ope­ratiba ng pulisya police laban sa mga armadong kalalakihan.

 

vuukle comment

BARANGAY PALANAS

BATANGAS

D-BLACK PRETORIANS SECURITY AGENCY

JAM LINER INC

MARLON PINEDA

NEW PEOPLES ARMY

OMEGA JIREH FIDEL

RICHARD CARAGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with