Sekyu dinedo ng tandem

BULACAN, Philippines – Napatay ang 57-anyos na security guard makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa waiting shed sa Barangay San Rafael 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Limang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Jesus Lacang ng Brgy. San Rafael 3 sa nasabing lungsod. Ayon kay PO2 Melvin Rogero, nakatayo ang biktima sa waiting shed para mag-abang ng masasakyan nang lapitan at pagbabarilin. Narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments