3 todas sa tagaan

(Arakan, North Cotabato , Philippines  - Tatlo katao kabilang ang mag-amang katutubo ang nasawi habang  isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagtatagain ng suspek na napaslang din sa Brgy. Napalico, Arakan, North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon. Kinilala ni Sr. Inspector Rolly Oranza, hepe ng Arakan Police ang mga namatay na biktima na sina Roger Mansugod, Raul Mansugot; mag-ama  na pawang agarang binawian ng buhay sa insidente. Samantalang , patay din ang suspek na si Alvin Bunsuran matapos na magawang manlaban ng mag-ama na pinagtataga at pinagsasaksak rin ito habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Marlon Tambog, ginagamot sa Davao Medical Center. Agad namang tumakas ang mga suspek na kinilalang sina Mark Tambog at Ronron Tambog sa di malamang direksiyon. Sinabi ni PSI Oranza na naka-inom umano ang mga suspek na sina Alvin Bunsuran, Marlon Tambog, Mark Tambog at Ronron Tambog ng i-harass ang mag-ama na nauwi sa madugong insidente.

Show comments