2 holdaper patay sa shootout, 1 pa timbog

MANILA, Philippines - Rizal- Dalawang pinaghihinalaang notoryus na robbery/holdup gang ang nasawi habang nadakip naman ang isa pa nilang kasamahan matapos na maka-engkuwentro ang mga elemento ng pulisya sa shootout  sa bayan ng  Morong ng lalawigang ito, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Saneto Campuesto Jr., 24, alyas, “Roy”, at isang alyas “Bong Villareal”, nasa hustong gulang;  kapwa residente ng Sitio Taghangin, Brgy. Maybangkal, Morong.

Arestado naman ang kanilang kasamahan na nakilalang si Lusdie Mallo, 22, binata  at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang engkwentro dakong alas-4 ng hapon sa Sitio Taghangin, Brgy. Maybangkal, Morong, Rizal.

Ang grupo ang itinuturong siyang responsable sa panghuholdap sa isang carwash sa Circumferential road, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up operation ang Antipolo Police sa natukoy na hideout ng mga holdaper na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang cal. 38 pistol, walong piraso ng bala, isang granada,Cherry mobile phone, Samsung mobile phone, Motorola phone at isang por­table DVD player.

 

Show comments