2 Salisi Gang arestado

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Arestado ang dalawang miyembro ng Salisi Gang matapos magnakaw ng mga produktong pampaganda at ilang gamit sa isang drug store sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ryan Ramos, 31, ng Barangay Lomboy, Talavera, Nueva Ecija; at Ricky “Noel” Ramos, 38, ng Barangay San Pascual, Talavera. Nadiskubre ang pananakaw matapos mamataan ng store manager na si Rameo Hernandez Jr. ang modus operandi ng dalawa sa CCTV camera. Kaagad naman inalerto ang pulisya sa pamumuno ni SPO4 Rey Pascua kaya nasakote ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 26 pakete ng ba­terya, anim na piraso ng beauty products na umaabot sa P9,000 ang halaga.

 

Show comments