Mag-utol tiklo sa kasong rape

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-utol na sinasabing nasa top most wanted list ng pulisya matapos na maaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay San Geronimo, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Kinilala ng Cagayan Valley Regional PNP director P/Chief Supt. Miguel Laurel ang mga suspek na sina
 Norberto Mangatulao, 31; at Emmanuel Mangatulao, 30, kapwa nakatira sa nasabing bayan. Ayon kay Laurel, ang mag utol ay inaresto sa bisa ng may warrant of arrest na ipinalabas ni Bayombong Regional Trial Court Judge Gil Valdez sa kasong rape laban sa kanilang pinsang dalagita.
 Sa pahayag naman ni P/Chief Insp. Maciste Serano, hepe ng Bagabag PNP, kinasuhan ang dalawa matapos gawing sex slave ang sarili nilang pinsang dalagita sa Santiago City noong 2003.

Show comments