Cash card payroll ilulunsad
BALANGA CITY, Bataan, Philippines - – Ilulunsad sa Abril 2014 ang cash card payroll system sa 600 casual at job order employees ng kapitolyo.
Ito ang tiniyak ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia noong Lunes sa flag raising ceremony capitol compd. ng Balanga City, Bataan bago siya magdaos ng kaarawan.
Idinagdag pa ng Punong Lalawigan na malaking tulong na rin ito sa lahat ng kawani ng kapitolyo dahil hindi na sila pipila pa sa cash department kung saan ay maaaring makakuha ng suweldo sa loob at labas ng lalawigan.
Kahit araw ng Sabado at Linggo ay maaaring sumuweldo ang mga kawani ng kapitolyo sa lahat ng saÂngay ng bangko gamit ang kanilang ATM cash card.
Nauna rito, nagpalabas ng memorandum si ex-OIC Provincial Administrator Estrella Paguio sa utos ng gobernador noong January 22 at 23 sa lahat ng mga kawani ng Kapitolyo na kailangang mag-apply ng cash card payroll.
Ayon kay OIC-Provincial Human Resources MaÂnagement Office Antonio Samaniego, aabot sa 530 ang may posisyon na job order, casual habang 50 naman ang consultant sa kapitolyo. Jonie Capalaran
- Latest