2 karnaper/holdaper, tiklo

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Dalawang miyembro ng  carnapping/hold-up gang ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na PNP checkpoint sa bahagi ng Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Isinasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Amer Camsa Tiloma, 24, ng Barangay Kilangan, Pagalungan, Maguindanao; at Nor Ali Sandukan, 25, ng Batulawan, Pikit, North Cotabato. Sinabi ni P/ Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, naaresto ang mga suspek sa pinaigting na operasyon ng “Oplan-Sita” at “Kapkap-bakal”  Nasamsam sa mga suspek ang cal.45 pistol, ilang bala at magazine, granada at 7-piraso ng plastic sealed sachet na naglalaman ng shabu. Pansamantalang pinigil ang traysikel na gamit ng mga suspek dahil sa walang kaukulang papeles na maipakita.

 

Show comments