Karambola: 2 patay, 4 kritikal

CAVITE , Philippines   -  Dalawa-katao ang namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang kotse sa kahabaan ng Tirona Road sa Barangay Habay 1, Bacoor City,  Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang dalawa na namatay na sina Jeffrey Dimalanta, 32, ng Barangay Tabon 3, bayan ng  Kawit, Cavite; at Edwin Evangelista ng Barangay Batong Dalig.

Nasa kritikal namang kalagayan sina Edwin Lontoc, 36; Katrina Paulito, 20, ng Brgy. San Nicolas, Bacoor City; Princess Malapitan, 30, ng Barangay Molino at si Ferdinand David, 32, ng Veraville Subd., Brgy Dulong Bayan, Bacoor City.

Ayon kay P03 Romar Sinnung, sangkot sa road mishap ang Honda Civic (UMH478) ni Dimalanta at ang Montero Sports SUV (UEG627) ni David.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya.

 

Show comments