^

Probinsiya

2 holdaper ng Bumbay arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Bumagsak na rin sa kamay ng pulisya ang sinasabing notoryus na grupo ng holdaper na bumibiktima ng mga negos­yanteng Bumbay matapos masakote ang mga ito sa isinagawang operasyon sa Barangay Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Sonny Tuquero, 41, traysikel drayber, at Vicente Gomez, 34, drayber na mga residente ng Barangay Kaligayahan, Novalichez, Quezon City.

Samantala, naunang naaresto at kinasuhan ang lider ng dalawa na si Amrik “Michael” Singh, 43, ng Sta. Monica Compound, Brgy. Balubaran,Valenzuela City.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corfuz, inaresto ang mga suspek matapos magreklamo ang kanilang biktimang si Bikramjit Singh na hinarang at hinoldap ng mga suspek pagsapit sa bahagi ng service road patungo sa NLEx exit.

Natangay kay Bikramjit ang halagang P30,000 su­balit hindi tinangay ang kanyang motorsiklo kung saan nasakote naman si Michael sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Malhacan, Maycauayan City, Bulacan.

Maging ang mga negosyanteng sina Prabhjot Singh at Gruppet Singh ay sinasabing biktima ng mga suspek noong Sabado (Ene­ro 18) sa Brgy. Tuga­tog, Meycauayan City at Brgy. Loma de Gato, Marilao.

vuukle comment

BARANGAY KALIGAYAHAN

BARANGAY LOMA DE GATO

BARANGAY MALHACAN

BIKRAMJIT SINGH

BRGY

BULACAN

GRUPPET SINGH

MARILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with