Brgy. chairman uli nilikida

MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang napatay amtapos itong ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway sa Barangay del Monte, bayan ng Veruela, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ni PNP Caraga spokesman P/Supt. Martin Gamba ang napaslang na si Chairman Joselito Rodrigoat ng Barangay Limot sa nabanggit na bayan. Napag-alamang papauwi na ang biktimang lulan ng motorsiklo kaangkas ang kalihim ng barangay na si Cherry Lou Noos nang harangin ng mga armadong lalaki. Dito na pinababa sa motorsiklo ang kalihim ng barangay bago pinagbabaril ng mga rebelde ang nasabing opisyal kahit nagmamakaawa na si Noos. Nabatid din na bago maganap ang pamamaslang ay dumalo pa ang biktima sa pagpupulong ng Association of Barangay Chairman (ABC) sa Kahali Building sa Barangay Poblacion.

 

Show comments