MANILA, Philippines - Malupit na kamatayan ang sinapit ng dating alkalde sa bayan ng Natonin matapos itong mabitag ng patibong para sa mga ligaw na hayop sa bulubunduking bahagi ng Mountain ProÂvince kamakalawa.
Kinilala ni Mt. Province PNP director P/Senior Supt. Oliver Emodias, ang biktima na si ex-Natonin Mayor Donald Olivia.
Duguan sa tama ng bala ng shotgun ang biktimang natagpuan sa patibong ng grupo ng mga mangangaso na sinamahan nito para manghuli ng mga baboyramo at usa sa kagubatan.
Sa inisyal na pagsusuri, may malalim na sugat sa paa ang biktima na posibleng namatay sa pagkaubos ng dugo at hypothermia.
Ayon sa mga medical expert, ang hypothermia ay umaatake kapag hindi na nakayanan ng katawan ng tao ang sobrang lamig na maaari ring magresulta sa cardiac arrest.
Lumilitaw pa sa imbesÂtigasyon na may kasamang 10 mangangaso ang biktima na umakyat sa kabundukan ng Mt. Province ng mangyari ang trahedya.
Gayon pa man, napilitang magsagawa ng search ang rescue operations ang grupo mAtapos mabigo ang biktima na napagkasunduang lugar na kanilang tagpuan.