^

Probinsiya

37 BIFF patay sa Maguindanao

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 37 mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napaslang sa ikalimang araw na umaatikabong bakbakan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga rebelde sa Maguindanao at North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, isang sundalo rin ang napatay habang pito pa ang nasugatan matapos na masabugan ng improvised explosive device at mortar ng BIFF.

Bukod sa 37 BIFF na napatay ay may natanggap na intelligence report ang militar na may  3 pang karagdagan sa  death toll ng mga kalaban na kasalukuyang bineberipika.

 â€œThirty seven, bineberipika pa sa ground baka aakyat pa ‘yan, meron kaming unconfirm na additional three baka maging 40 ‘yan as of this moment dahil nagkli-clearing pa dun sa area,” ayon pa sa opisyal.

Base sa ulat, bandang alas-9 ng gabi kamakalawa ay muling sumiklab ang sagupaan ng magkalabang puwersa  hanggang alauna ng madaling araw  kahapon sa Brgy. Dambalas, bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Noong Linggo (Enero 26) ay inilunsad ang ope­ration laban sa BIFF sa pangunguna ng ground troops ng Philippine Army na bina-backup ng mga combat helicopter ng Philippine Air Force.

Ang BIFF ay breakaway group ng MILF na nakikipagnegosasyon para sa gobyerno sa ikatatamo ng kapayapaan sa Mindanao Region.

Nabatid pa na naghati-hati na sa maliliit na grupo ang BIFF na tinutugis na ng tropa ng militar sa Brgy. Ganta, Shariff Saydona; Mustapha; at maging sa Pikit, North Cotabato na kabilang sa naging sentro ng bakbakan umpisa pa noong Enero 26.

Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal ay nakubkob ng tropa ng militar ang training camp ng BIFF na mga barracks at lecture room.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

BIFF

BRGY

DATU PIANG

DICKSON HERMOSO

ENERO

INFANTRY DIVISION

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with