Buntis utas sa motorsiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Hindi na nakapagluwal ng sanggol ang walong buwang buntis na misis makaraang salpukin ng motorsiklo habang ito ay nakaupo sa likuran ng kanilang motorsiklo sa kahabaan ng tulay sa Barangay Nuesa, bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Roxas PNP, papauwi na sa Barangay San Placido ang biktimang si Brenda Tadena, 21, kaangkas sa likuran  ng motorsiklong minamaneho ng kanyang mister na si Jerson Tadena nang salpukin ng motorsiklo ni Pepito Bernabe, 24. Sugatan naman si Jerson habang sa presinto na nagpalipas ng kalasingan ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries.

 

Show comments