Nene todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 11-anyos na nene makaraang makuryente habang naglalaro sa Barangay Tenan, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Bandang alas-2 ng hapon habang naglalaro ang biktimang si Jenelyn Jorgio nang mahawakan nito ang nakalaylay na talop na linya ng kuryente kung saan naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay.

Show comments