Mister inaway ni misis, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na karpinterong inaway ng kanyang misis kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng furniture shop ng kanyang biyanan sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni P/Supt. Jeffrey Gorospe, hepe ng Laoag City PNP ang biktima na si Nelson Bibit. Aminado naman ang misis ng biktima na nagkaroon sila ng away kamakalawa pero hindi niya inakalang pagpapakamatay. Natagpuang nakabitin ang biktima ng kanyang biyanang si Wilfredo Natividad.


Show comments