Senglot nanunog ng bahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng 58-anyos na magsasaka na sinasabing nilayasan ng sariling misis dahil sa pagiging adik sa alak matapos itong arestuhin ng pulisya dahil sa panununog ng kanyang bahay sa Barangay Rang-Ayan, Ilagan City, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Ilagan City PNP ang suspek na si Antonio Dumrique kung saan nakikisilong na lamang sa presinto matapos nitong sunugin ang kanilang bahay bandang alas- 8:30 ng gabi. Nabatid na nag-alsa balutan ang misis na si Celia Dumrique, 54, dahil sa hindi na matagalan ang bisyo ng kanyang mister na lango pa sa alak nang arestuhin ng pulisya.

Show comments