Negosyante ginilitan ng houseboy

CAMARINES NORTE , Philippines  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na negos­yanteng babae matapos itong pagnakawan ay ginilitan at pinagsasaksak pa ng kanyang houseboy na menor-de-edad kamakalawa ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Itomang, bayan ng Talisay, Camarines Norte.

Naisugod pa sa Leon Hernandez Memorial Hospital subalit namatay din ang biktimang si Celestina Abrera, bi­yuda at may-ari ng Manuelito’s Bar sa bayan ng Daet.

Ayon kay P/Senior Insp. Rodel Pili, naaresto naman ang suspek na 12-anyos at ang kasabwat nitong 14-anyos na kapwa nakatira sa Barangay Magang, bayan ng Daet, Camarines Norte.

Nabatid na  nakapasok ng bahay ang mga suspek dahil kakilala ng mga alagang aso  kung saan inabangan ang negosyante.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang umuwi ang biktima mula sa pakikipaglamay sa kanyang bayaw sa karatig na barangay.

Dito na pinagtulungang saksakin at gilitan ang biktima bago limasin ang hindi pa mabatid na halaga.

Natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng palikuran kung saan bago nalagutan ng hininga ay nagawa pang masambit ang pangalan ng isa sa dalawang suspek.

May palatandaang nanlaban ang biktima sa mga suspek na sinasabing lango sa rugby.

 

Show comments