MANILA, Philippines - Inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang enlisted military personnel at dalawang iba pa matapos na masangkot sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Allan Quismundo, 38, binata at dalawa iba pa na sina Brian, 30 at Jonalyn Aban Lansang, 24 pawang walang trabaho ng Caloocan City.
Sinasabing si Quismundo ay isang aktibong miyembro ng Philippine Army na may ranggong Staff Sergeant at kasaÂlukuyang nakatalaga sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Bandang alas-7 ng umaga kamakalawa ng magsagawa ng buy-bust-operation ang PDEA sa CM, Barangay 24, Gingoog City, Misamis Oriental na nagresulta sa pagkakahuli sa tatlong suspek.
Nakumpiska mula sa mga ito ang ilang plastic sachet na may lamang 10 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia .
Ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal ay nakakulong na sa PDEA Region 10 detention facility.