^

Probinsiya

2 tanod, kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng umano’y mga armadong illegal na mangi­ngisda ang dalawang mi­yembro ng Brgy. Police Laban sa Krimen (BPLK) habang nagpapatrulya sa karagatan ng Brgy. Nonoc, Surigao City, Surigao del Norte, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Bernaldo Plaza at Rogelio Liquido; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng naturang barangay.

Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, dumulog sa himpilan ng pulisya kamakalawa ng hapon si Eleuterio Rendon, Brgy. Chairman sa nabanggit na barangay at ini­ulat ang dalawang araw na pagkawala ng dalawa nilang tanod.

Ayon kay Rendon sina Plaza at Liquido ay inatasan niyang magpatrulya sa ‘fish sanctuary’ dakong ala-1 ng madaling-araw noong Enero 16 sa karagatan ng kanilang lugar kaugnay ng ulat na maraming mga illegal na mangingisda ang gu­magamit ng dinamita ang nagsasamantala rito.

Gayunman, kamakalawa ng hapon ay nakabalik na ang kasamahan nina Plaza at Liquido na si Wenifredo Billones na nakaligtas sa insi­dente at iniulat kay Rendon na dinukot ng mga illegal na mangingisda ang dalawa niyang kasama­hang BPLK members.

BERNALDO PLAZA

BRGY

ELEUTERIO RENDON

LIQUIDO

MARTIN GAMBA

POLICE LABAN

POLICE SPOKESMAN SUPT

RENDON

ROGELIO LIQUIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with