Ama inakusahang rapist, nagbigti

BULACAN, Philippines - - Pinaniniwalaang hindi matanggap ang akusasyong panghahalay sa sariling anak kaya nagdesis­yong magpasalubong kay kamatayan ang 35-anyos na tatay matapos itong magbigti sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-6 ng umaga nang  matagpuan ang nakabiting katawan ni Jerry Berja, landscaper at nakatira  sa Sitio Hangga sa nasabing barangay. Nabatid kay PO3 Jeffren Carrasco na nagkaroon ng problema ang biktima sa kanyang pamilya dahil sa pag-aakusang ginahasa niya ang sariling anak na babae. Gayon paman, wala namang iniwang suicide note ang biktima.

Show comments